Article Inside Page
Showbiz News
Donita Nose, ibinida ang sakripisyo at pagtitiyaga ng kanyang ina para mabuhay lang ang kanilang pamilya.Nakilala nang husto ang stand-up comedian na si Donita Nose kasama ang ka-tandem niya na si Super Tekla sa game show noon na Wowowin.
Ngayon, isa siya sa in-demand comedic talents at pinipilahan ang mga show niya sa comedy bar. Pero bago guminhawa ang buhay niya, natuto si Donita na mamaluktot sa maliit na kumot dahil laki siya sa squatters area.
Sa session ng Your Honor nitong Sabado (July 11), ikinuwento niya sa mga host na sina Chariz Solomon at Buboy Villar ang hirap ng buhay nila noon lalo na at 10 taon may sakit ang kaniyang ama na tinamaan ng stroke.






