Mga bagong kwento ng pag-ibig ang hatid ng 'Regal Studio Presents' sa new season nito.Narito na ang bagong season ng weekend anthology series na Regal Studio Presents.

Hatid nito ang bagong love stories na kakikiligan at kapupulutan pa ng aral.

Magbubukas ang brand-new season sa episode na "Til Debt So Us Part," starring Nikki Co at Sarah Edwards.

Kuwento ito ng isang debt collector na tila magkakaroon ng change of heart dahil sa makikilalang babae na baon sa utang.

Hindi rin dapat palampasin ang "The Undying Proposal" kung saan isang lalaki ang paulit-ulit na mamamatay tuwing magpo-propose siya sa kanyang girlfriend.