Article Inside Page
Showbiz News
Angel Castro: “Konti na lang po bulag na talaga ako.”Kapansin-pansin ang pagpikit-pikit ni Angel Castro, na tila nasisilaw rin sa ilaw, sa ginanap na media conference ng bago niyang pelikula kamakailan.
Una nang nabanggit ni Angel sa GMANetwork.com at ilang entertainment media na nagkaroon siya ng eye infection kaya para siyang nasisilaw at naduduling ang kanyang kanang mata.
Sa media conference ng Bangong Tusko 2.0 noong Martes, June 30, ipinaliwanag ng aktres na ito ay bunga ng eye infection na naranasan niya. Ang sanhi raw ng impeksiyon ay eyelash extension.






