Article Inside Page
Showbiz News
Bukod kay Dingdong Dantes, labis din ang paghanga ng Baby Dolls sa girl group na SexBomb Girls!Napa-"Oohh Lala" sa giling na rin ang Unang Hirit barkada kasama ang It's Showtime girl group na Baby Dolls!
Nitong Huwebes (July 2), bumisita ang viral group sa morning show para sa isang masayang kuwentuhan at sayawan.
Ibinahagi ng Baby Dolls ang kanilang pasasalamat sa mainit na suportang natatanggap nila mula sa fans, gayundin sa mga celebrity na nakisabak sa "Oohh Lala Baby" dance challenge online.






