Article Inside Page

Showbiz News

Haharapin ng mga Mr. World Philippines candidates ang media sa press presentation at sashing ceremony sa Collab by Sheraton Hotel Manila.Kailangan nang maghanda ng mga pageant fans at aficionados dahil makikilala na nila ang panibagong batch ng mga candidates para sa Mr. World Philippines pageant ngayong taon.

Nag-announce ang Mr. World Philippines organization sa kanilang Instagram account na gaganapin ang press presentation at sashing ceremony ng Mr. World Philippines ngayong July 1, mula 2 p.m. hanggang 6 p.m., sa Collab by Sheraton Hotel Manila.

Sa caption sa post, sinabi ng organization na ang mga kandidato ngayong taon ay “ready to represent excellence, purpose, and the true spirit of the modern Filipino man.”