Photo Inside Page

Photos

Nagbigay ng update ang komedyanteng si Gil Aducal Morales, o mas kilala bilang Ate Gay tungkol sa kanyang kalusugan.

Sa kanyang Facebook post, ipinakita ni Ate Gay ang larawan habang nasa ospital, kung saan nakangiti siya kasama ang kanyang doktora. Ipinarating din niya ang magandang resulta ng kanyang MRI (Magnetic Resonance Imaging).

"Magandang balita wala na akong bukol sa ilong at leeg result ng MRI yeheyyyy. Thank you, Lord Jesus," sulat ni Ate Gay.