Article Inside Page

Showbiz News

Subaybayan ang bagong Korean sci-fi thriller drama sa GMA.Isang thrilling at action-packed na Korean drama ang muling aabangan sa GMA dahil palabas na ang sci-fi thriller drama na Duty After School.

Matutunghayan sa Duty After School sina Lim Se-Mi bilang Shannon/Ms. Park, Kim Ki-Hae bilang Chino, Kwon Eun-Bin bilang Nora, Lee Soon-Woo bilang Ruel, at Shin Hyun-Soo bilang Diego.

Hango sa webtoon ni Ha Il-kwon, ang kuwento ng Duty After School ay iikot sa buhay ng mga senior students ng Sungjin High School na na-recruit sa military reserve forces matapos salakayin ng mga alien spheres ang kanilang lugar.