Article Inside Page

Showbiz News

Mas maraming pagkakataong manalo at mas malaking papremyo ang naghihintay sa pagbabalik ng Kapuso Lucky Numbers of the Day Season 5 ng GMA Network. Mula June 29 hanggang August 8, 2026, ang mga viewers na sasali sa Kapuso Lucky Numbers of the Day Season 5 ay may chance manalo ng weekly prizes na Php 5,000 at ang grand prize na Php 100,000!

Para makasali, kailangan lamang tumutok ng viewers sa participating GMA programs mula Lunes hanggang Sabado, at hintaying lumabas sa screen ang Kapuso Lucky Numbers of the Day sa mga programang: "Born to Shine," "Kamao," "You're My Favorite Song," "The Master Cutter," "Taskforce Firewall," "First Yaya," "Pepito Manaloto," at "Magpakailanman."

Matapos malaman ang Kapuso Lucky Numbers of the Day, ipadala ang entries sa www.GMANetwork.com/luckynumbers. Siguraduhing naka-register din ang mga sumusunod na impormasyon: pangalan at apelyido (na tumutugma sa valid ID), kumpletong address, mobile number, at email address.