Article Inside Page

Showbiz News

Makikita sa beauty at body shot leaderboard kung sino sa mga Binibining Pilipinas delegates ang nangunguna sa rankings.Umiigting na ang labanan sa Binibining Pilipinas pageant ngayong inilabas na ng isa sa mga partner organizations nito ang leaderboard ng mga delegates, ngayong ilang linggo na lang bago ang coronation night.

Inilabas ng gaming platform an Nustar Online sa official Instagram account into ang beauty at body shot leaderboard ng mga candidates sa Binibining Pilipinas pageant ngayong taon.

Nangunguna sa top 10 ng beauty shots sina Mary Adeline Ramirez ng Malabon City, Zilanni Eve Rojas ng Zamboanga City, Kristeen Mia Lucero ng Bulacan, Christine Joelle Usaraga ng Cebu, at Georgette Nicole Coronation ng Carmona City sa top five.