Article Inside Page

Showbiz News

Meron, meron, merong issue na naman si Emil Maangil (Paolo Contis)!'More Tawa, More Saya' ang natanggap ng viewers ng longest-running gag show ng bayan na Bubble Gang na ipinalabas nitong Linggo ng gabi, June 21.

Nakamit ng flagship comedy program ng GMA-7 ang 5.3 percent na TV ratings base sa NUTAM People Ratings.

Pinalaki na naman ni Emil Maangil (Paolo Contis) ang transaksyon sa isang convenience store nang magalit ito sa tindera dahil ang sukli na ibinigay niya sa customer ay candy!