Article Inside Page
Showbiz News
Nagbigay rin ng maagang birthday message si Jak Roberto para sa kapatid na si Sanya Lopez. Alamin dito.Full support ang Taskforce Firewall actor na si Jak Roberto sa love life ng kapatid na si Sanya Lopez na ngayon ay mayroon ng special someone.
Sa interview kay Aubrey Carampel ng 24 Oras, ni-reveal ni Jak na ipinakilala na sa kanya ni Sanya ang mystery man nito.
"First time n'ya magpakilala sa akin na parang, 'Kuya, kaibigan ko,'" sabi ni Jak. Pabirong hirit naman daw niya sa kapatid, "Hu! Kaibigan?"






