Article Inside Page
Showbiz News
Naglalaan ng oras si AZ Martinez upang makipag-bonding sa kanyang stepbrothersa kabila ng pagiging busy niya sa taping ng 'Love, Siargao.'Busy man sa taping si AZ Martinez para sa kanyang upcoming romantic comedy series na Love, Siargao, hindi pa rin niya nakakalimutang maglaan ng oras para sa kanyang mga mahal sa buhay.
Sa report ni Athena Imperial sa 24 Oras noong Lunes, June 15, ibinahagi ng ex-Pinoy Big Brother housemate na binibisita niya ang kanyang stepbrother tuwing may break sa taping ng Love, Siargao sa Surigao del Norte.
Ikinuwento rin ni AZ na nae-enjoy niyang libutin ang isla tuwing may pahinga sa kanilang shoot.






