Article Inside Page

Showbiz News

Cassy Legaspi bilang host sa MEGA Ball 2026: "A hosting debut I'll always be grateful for."Grateful ang Whispers From Heaven actress na si Cassy Legaspi sa tiwalang ibinigay sa kanya ng MEGA Magazine na maging host para sa taunang event nito, ang MEGA Ball 2026, na ginanap noong Biyernes (June 12) sa Makati Shangri-La.

Sa Instagram, ipinakita ni Cassy ang ilang behind-the-scenes moments ng kanyang hosting debut sa MEGA Ball 2026--mula sa preparation hanggang sa stage.

May kuha rin siya kasama ang kapwa Sparkle actress na sina Ashley Ortega, Skye Chua, at Lexi Gonzales, maging ang Kapamilya actor na si Piolo Pascual kasama ang anak na si Iñigo.