Article Inside Page
Showbiz News
Male co-host, ibinuking ang female partner niya sa isang podcast na grabe rin ang trip kapag tinamaan ng alak. Mahulaan n'yo kaya ang tinutukoy natin celebrity sa ating Hula Who for the day?Nilaglag ng comedian ang host sa mismo nilang podcast ang kanyang female co-host na matindi ang “trip” kapag nalalasing ito.
Naging guest sa kanilang viral podcast ang isang magka-loveteam at napunta ang kuwentuhan nila sa memorable na nangyari noong una silang uminom.
Lahad ng mestiza aktres tungkol sa kanyang ka-loveteam, “Grabe 'yun! Kasi ano po 21st birthday niya sa Bora (Boracay), kasama namin sila Sean Lucas, sila Bryce, Prince Carlos. So, ako puwede naman ako pero hindi talaga ako uminom. As in nakaupo talaga ako parang Tita talaga dun, nagbabantay.”






