Article Inside Page
Showbiz News
Inihayag ni Ellen Adarna na hindi orihinal na itinayo ang Temple of Leah para maging pasyalan pero isa na itong sikat na tourist destination sa Cebu.Nagbahagi si Ellen Adarna ng isang nakakagulat na detalye tungkol sa Temple of Leah, isa sa mga kilalang tourist destination sa Cebu na pag-aari ng kanilang pamilya.
Itinayo ito ng kaniyang yumaong lolo na si Teodorico Adarna bilang parangal sa kaniyang asawang si Leah, na dahilan kaya ito tinawag na "Taj Mahal of Cebu."
Gayunpaman, inihayag ni Ellen sa panayam sa kaniya kamakailan ni Melai Cantiveros na hindi ito orihinal na itinayo bilang pasyalan kundi bilang imbakan ng mga gamit ng kaniyang lola.






