Article Inside Page
Showbiz News
Film Development Council of the Philippines chairman Direk Joey Reyes, inalala ang malagim na kuwento nang mag-shoot siya ng pelikula sa Dipaculao, Aurora taong 2022.Pinukaw ang damdamin ng buong bansa sa balita ng pagkamatay ng dalawang varsity members ng Ateneo de Manila University Men's Basketball Team na sina Rene Clert Baterbonia (19) at Divine Adili (21).
Ayon sa opisyal na pahayag ng unibersidad, nagdaraos ng team building ang Ateneo men's basketball squad sa Dipaculao, Aurora at sa kasamaang-palad pumanaw sina Rene at Divine matapos malunod noong Lunes, June 8.
Maraming espekulasyon at haka-haka ang naglabasan online tungkol sa pangyayari lalo na at naging matipid sa detalye ang paaralan sa mga nangyari sa dalawang student-athletes.












