Article Inside Page
Showbiz News
Nilinaw nina Aiai Delas Alas at Lani Misalucha na walang alitan sa pagitan nila at ng mga bagong miyembro ng 'The Clash' panel na sina Jillian Ward at JL Toreliza.Marami ang na-excite sa bagong edisyon ng all-original singing competition ng GMA na The Clash, na pinamagatang The Clash Teens, kung saan new generation of singers, na may edad mula 14 hanggang 19, ang bibida sa Clash arena.
Pero kasabay ng pagbabago sa age group qualification ng programa, marami rin ang nagulat sa pagbabago ng set ng panel of judges, na orihinal na kinabibilangan nina Aiai Delas Alas, Lani Misalucha, at Christian Bautista.
Sa The Clash Teens, tanging si Christian lamang ang nanatili. Kasama niya sa Clash Panel ang Star of the New Gen na si Jillian Ward at BGYO member at Chinito P-Pop Charmer na si JL Toreliza, na dating The Clash contestant mula season one. Naging parte ng panel sina Aiai at Lani mula 2018 hanggang 2025.






