Article Inside Page
Showbiz News
Inamin na ni Amy Austria ang totoong kalagayan ng relasyon nila ngayon ni Hilda Koronel.Binigyan linaw na ni Amy Austria ang alitan diumano nila ng kapwa aktres na si Hilda Koronel at inamin ang katotohanan sa kanilang naging relasyon noon.
Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Miyerkules, June 10, nilinaw ni Amy na hindi totoong nag-away sila ni Hilda noon. Ang totoo, nagkaroon lang sila ng misunderstanding.
“Nagkaroon lang ng mga misunderstanding or intriga sa mga siguro ibang tao, kasi huli kaming nagkasama, Mahawi Man ang Ulap. We were friends, lumalabas kami, and then something happened lang in between,” sabi ni Amy.






