Article Inside Page

Showbiz News

Nagbigay ng kanilang saloobin ang mga bida ng 'Open Endings' tungkol sa misogynistic comments na natatanggap ng LGBTQIA+ community.May importanteng payo ang Open Endings star na si Janella Salvador sa kanyang co-star na si Klea Pineda pagdating sa misogynistic comments at online threats.

“First of all, huwag kang magbasa,” sabi ni Janella sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes, June 9.

Kasama niya sa pagbisita sa naturang GMA Afternoon Talk Show ang co-stars na sina Klea, Jasmine Curtis-Smith, at Leanne Mamonong.