Article Inside Page

Showbiz News

Viewers kay Monette (Klarisse De Guzman) sa 'The Secrets of Hotel 88': “Actress ka na Mowm, pinaiyak mo kami.”Usap-usapan online ang latest post ng singer na ngayon ay isa na ring actress na si Klarisse De Guzman.

Kasunod ng pagpapalabas ng intense na last scene niya sa The Secrets of Hotel 88, nagpaalam na siya sa karakter niya sa serye na si Monette.

Bukod sa pagpapaalam, may makulit ding mensahe si Klarisse sa karakter ni Christian Vasquez na gumaganap bilang si Sandro na naging dahilan ng kanyang pagpanaw.