Article Inside Page
Showbiz News
Abangan ang face-off ng Capinpin Boys at Capinpin Ladies mamayang 5:35 p.m. sa 'Family Feud.'Real-life family rivalry na puno ng kulitan ang mapapanood sa tapatan ng Capinpin Boys at Capinpin Ladies sa Family Feud.
Tampok ngayong Lunes, June 8, ang showdown ng pamilyang Capinpin mula sa Nueva Ecija.
Mamumuno sa Capinpin Boys si Gavin de Rueda Capinpin, mas kilala bilang "Ser Geybin," isa sa pinakasikat na content creators sa bansa ngayon. Mayroon siyang mahigit 40 milyong followers sa iba't ibang social media platforms. Nakilala si Ser Geybin dahil sa kanyang nakakatawang content, pranks, at comedy videos na pumatok sa mga netizen.






