Article Inside Page
Showbiz News
Bayani sa pagsagip sa batang nahulog sa riles ng tren sa Japan ang isang Pinay firefighter.Labis na hinangaan ang isang Pinay na bumbero sa Japan dahil sa mabilis niyang pag-aksyon para mailigtas ang isang bata na nahulog sa riles ng tren.
To the rescue ang Pinay firefighter na kabilang sa isang grupo ng mga Pilipino na bumbero na naroon sa bansa.
Batay sa report ni CJ Torida sa GMA Regional TV One North Central Luzon na ibinahagi sa GMA News, ipinamalas ni Fire Inspector Vijoan Yumul ang mabilis niyang pagresponde sa pagkahulog ng isang dalawang taong gulang na lalaki mula sa platform ng tren noong May 29.







