Hunyo 5, 2026 5:57pm GMT+08:00 SINULAT NI: GMA News
Nagpalagay si Kaye Abad ng pink ribbon tattoo sa pagdiriwang ng Cancer Survivors Month ngayong Hunyo. Kamakailan lang, ibinahagi ng aktres na nagtagumpay siya sa kanilang laban sa breast cancer.Sa Instagram, ibinahagi ng tattoo studio na 032 Tattoo ang mga larawan at video clip ng aktres habang nagpapalagay ng pink ribbon tattoo sa kanang bahagi ng kaniyang tagiliran.Ang pink ribbon ay pandaigdigang simbolo ng kamalayan at suporta para sa laban kontra breast cancer."So grateful to do this tattoo. This ribbon stands for the quiet battles and victories of a cancer survivor. Thank you, [Paul Jake Castillo] and [Kaye Abad] for trusting me and [032 Tattoo]," saad sa caption ng mag-ari ng 032 Tattoo owner at tattoo artist na si Chow Abinales.Ibinahagi rin ni Kaye ang post ng 032 Tattoo sa kaniyang Instagram Stories.Ngayong linggo, ginunita ni Kaye ang Cancer Survivors Month sa pamamagitan ng pagbabahagi ng larawan niya na may kalakip ang mensahe para sa kapwa niya mga cancer survivor."We celebrate every survivor, every scar, every silent battle, every tear, every prayer, and every victory," saad ni Kaye sa caption. "What we went through was never easy, but here we are… still fighting, still standing, still choosing hope.""To everyone who continues this journey, know that your strength inspires more people than you realize," patuloy niya.Nitong nakaraang Mayo, sa pagdiriwang ng kaniyang ika-44 na kaarawan, ibinahagi ni Kaye ang kaniyang pinagdaanang laban sa breast cancer, at inihayag na magaling na siya.Sa kaniyang vlog, ibinahagi ni Kaye na nalaman niyang mayroon siyang breast cancer matapos sumailalim sa mammogram noong Enero 2025.Ipinakita rin sa vlog ang kaniyang medical journey, kabilang ang mga konsultasyon at pagpapagamot sa Singapore.Ayon sa Asian Breast Cancer, isa sa bawat apat na Pilipina ang nagkakaroon ng breast cancer, kaya ito ang pinakakaraniwang uri ng kanser sa mga Pinay batay sa bilang ng mga kaso.Mahalaga ang maagang pagtuklas ng sakit dahil ang breast cancer ay maaaring magamot kung maaagapan.—CDC/FRJ GMA News












