Mukhang naka-relate si actress-host noong i-reenact ng programa ang isang blind item.Ayon sa segment ng TiktoClock na Sikreto ng mga Borta, "Nagkaroon ng isang piging o celebration ang aktres na 'to. Hindi raw nila akalain na ganito ang nangyari."
Ipinakita sa skit na sinabi ng actress-host na mag-video muna siya ng handang lechon bago kumain ang kaniyang mga kasama sa programa. Pero matinding paghihintay ang nangyari sa mga co-host dahil sa daming kinukunan ng actress-host.
Sa gitna ng skit ay natatawa naman ang mga taong gumaganap dito na para bang kilala nila agad kung sino ito. Pati ang gumanap na actress-host ay hindi na mapigilan ang sarili sa pag-explain ng nangyari.
Para sa clue tungkol kay actress-host, "Sa pangalan niya ay may letrang B, as in babaeng maganda at babaeng wais."
Kilalanin kung sino si actress-host dito.






