Article Inside Page
Showbiz News
Pepito (Michael V.) at Elsa (Manilyn Reynes), magdiriwang din ng kanilang wedding anniversary ngayong June 6.Imbitado kayo sa espesyal na milestone nina Pepito (Michael V.) at Elsa (Manilyn Reynes) dahil sa darating na Sabado, June 6, masasaksihan n'yo ang renewal of vows ng Manaloto couple.
Nitong weekend, may pasilip na ang award-winning sitcom sa nakakakilig na moment at ngayon pa lang ay looking forward na ang viewers at fans ng show na masaksihan ito.
Komento ng isang fan tungkol sa takbo ng storya ng Kapuso sitcom, “Galing talaga ng Pepito Manaloto. Best ever, talagang true to life ang dating.”






