Nagtala si Victor Wembanyama ng 22 puntos at pitong rebounds upang pangunahan ang San Antonio Spurs sa pag-abante sa NBA Finals matapos ang 111-103 na panalo laban sa Oklahoma City Thunder sa Game 7 ng Western Conference Finals nitong Sabado.Makakaharap ng Spurs ang New York Knicks sa NBA Finals na magsisimula sa Miyerkules sa teritoryo ng San Antonio.Ito ang muling pagpasok ng San Antonio sa NBA Finals mula nang mapanalunan nila ang ikalimang kampeonato ng prangkisa noong 2014.Sa pag-usad ng Spurs at Knicks, magkakaroon ng ikawalong magkaibang kampeon sa NBA sa loob ng nakaraang walong taon.Dahil sa pagkakatanggal ng Oklahoma City sa finals, nananatili ang Golden State Warriors ang huling koponang nagkampeon nang magkasunod na taon.Si Wembanyama ang itinanghal na Most Valuable Player (MVP) ng Western Conference Finals.Tinanggap ng 22-anyos na basketbolista ang Earvin “Magic” Johnson Trophy matapos magtala ng average na 27.3 puntos, 10.9 rebounds, 3.1 assists, 2.7 blocks, at 1.4 steals kada laro sa buong serye.Nakamit ni Wembanyama ang parangal matapos na makuha ang lahat ng siyam na boto mula sa media panel na inatasang pumili ng MVP ng Western Conference Finals, ayon sa NBA website.--Field Level Media/Reuters/FRJ GMA News
Spurs, muling nakapasok sa NBA finals matapos talunin ang defending champ na Thunder
Nagtala si Victor Wembanyama ng 22 puntos at pitong rebounds upang pangunahan ang San Antonio Spurs sa pag-abante sa NBA Finals matapos ang 111-103 na panalo laban sa Oklahoma City Thunder sa Game 7 ng Western Conference Finals nitong Sabado.











