Article Inside Page

Showbiz News

Mapapanood ang live final dance battle ng 'Stars on the Floor 2026' ngayong Linggo, May 31, 7:15 p.m. sa GMA.Suportado ni Anne Curtis ang kanyang nakababatang kapatid na si Jasmine Curtis-Smith sa final dance battle ng GMA reality dance competition na Stars On The Floor 2026 ngayong Linggo, May 31.

Sa Instagram Story ng "Pambansang Diyosa," nag-post ng video si Anne kung saan nanonood siya ng rehearsals para sa live finale ng programa.

Nanawagan din sa netizens si Anne na iboto si Jasmine at partner nitong si Philip Russel Balicad, o mas kilala sa pangalang Joker na mula sa P-Pop group na 1st.One, para tanghaling Ultimate Dance Star Duo ng Stars On The Floor season two.