Article Inside Page

Showbiz News

Si Vanessa Pulgarin ng Colombia and unhang MGI All Stars winner.Si Vanessa Pulgarin, ang representative ng Colombia, ang pinakaunang winner ng MGI All Stars pageant pagkatapos niyang magwagi laban sa 55 pang mga katunggali. Si Faith Maria Porter ng Ghana ang first runner-up, habana si Nguyễn Huong Giang ng Vietnam ang second runner-up.

Samantala, ang Sparkle artist na si Gazini Ganados ay umabot hanggang top five ng MGI All Stars pageant.

Nagtagumpay si Vanessa pagkatapos ng kanyang sagot sa tanong na “What qualities do you possess that make you a star and allow you to shine clearly above the rest?”