Article Inside Page

Showbiz News

Indecent proposals na ino-offer noon kay Wendell Ramos, maaari nang rason para tumigil siya sa trabaho.Kilala bilang isa sa mga hunks noon hanggang sa ngayon, aminado si Kamao star Wendell Ramos na nakakatanggap siya dati ng mga indecent proposals. Ayon pa sa aktor, ang mga inaalok sa kaniya ay maaaring maging dahilan ng isang tao para hindi na magtrabaho.

Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes (May 28) kasama ang co-star niyang si Bruce Roeland, inamin ni Wendell na marami siyang nakukuhang indecent proposals noon at flattering daw ito dahil hindi umano biro ang mga inaalok sa kaniya.

“Something na parang puwedeng tamarin ka na, maging reason para tamarin ka na mag-work. I don't know. Tinatanong mo rin ang sarili mo, I'm asking myself, 'Totoo ba 'tong ganito? Pero parang totoo, legit naman sila,” sabi ni Wendell.