Article Inside Page

Showbiz News

"Super surreal ng feeling, ng moment na kaka-debut lang pala namin tapos ngayon nandito na kami sa TV." - Xonara member TinMainit na sinuportahan ng fans ang unang live TV performance ng P-pop girl group na Xonara sa Kapuso morning show na Unang Hirit ngayong Huwebes, May 28.

Patunay rito ang pag-trend sa X ng hashtag na "TABIsaUnangHirit" at "RISE WITH XONARA."

All-out ang naging performance ng Xonara sa kanilang debut single na "Tabi" sa Unang Hirit, kung saan pinahanga nila ang viewers sa kanilang live vocals at dance skills.