Article Inside Page
Showbiz News
Aminado si Jake Cuenca na binasted siya noon ng aktres na si Yasmien Kurdi.Binalikan ng aktor na si Jake Cuenca ang pagpasok niya sa showbiz at ang pagsisimula ng kanyang karera sa GMA.
Sa pagbisita niya sa Fast Talk with Boy Abunda, ibinahagi ng aktor na dalawang dekada na ang lumipas noong huling nakapasok siya sa Kapuso Network. Ayon pa kay Jake, ang youth-oriented show na Click ay ang kanyang kauna-unahang TV show.
Ikinuwento ng aktor ang kanyang mga naalala mula sa nasabing programa na kanyang kinabilangan.







