Article Inside Page

Showbiz News

Habang papalapit ang Sparkle Run, puspusan naman sa paghahanda ang ilang Kapuso stars para sa event.Mahigit 70 Sparkle stars ang todo-todo na ang paghahanda para sa upcoming Sparkle Run, isang running event ng Sparkle, ang talent management arm ng GMA Network. Gaganapin ang fun run ngayong Sabado, May 30, sa Quirino Grandstand sa Manila.

Bago pa man ang naturang fun run, ilang celebrities ang naghahanda na at nagsasanay habang papalapit ang event. Ilan na dito ay sina Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza, at Code Gray star Kristoffer Martin, na parehong running enthusiasts.

Sa Instagram, inaya pa nga ni Barbie ang netizens na sabayan siya sa pagtakbo ng 10 kilometers sa nalalapit na Sparkle Run.