Article Inside Page

Showbiz News

Pinoy viewers sa last episode ng 'House of Lies': “Ang ganda ng ending.”Talaga namang mainit ang naging pagtanggap ng Pinoy viewers sa intense drama series na House of Lies.

Natunghayan ang finale ng serye nitong nakaraang Biyernes, May 22, na tinutukan ng mga manonood at marami sa kanila ang napa-react sa mga eksena rito.

Ikinatuwa ng marami ang last scenes, kabilang na ang happily ever after ng mag-asawang Marj at Paolo, ang mga karakter nina Beauty Gonzalez at Mike Tan.