Article Inside Page
Showbiz News
Natuklasan ni Sonya (Winwyn Marquez) na nasa poder ng kabit ng kanyang asawa ang kanyang tunay na anak.Sa pagtatapos ng Tadhana episode na "The Real Daughter," mas lalong naging emosyonal at tensyonado ang kuwento ni Sonya (Winwyn Marquez) matapos niyang matuklasan na buhay at nasa poder ng kabit ng kanyang asawa ang kanyang tunay na anak.
Sa mga naganap sa Tadhana, walang sinayang na oras si Sonya nang malaman niyang nawawala ang kanyang tunay na anak. Sa kanyang desperadong paghahanap, nabunyag na ang bata ay matagal pa lang inaalagaan ni Veronica (Thea Tolentino), ang kabit ng kanyang mister.
Samantala, nang malaman ni Oliver (Rob Gomez) na may malaking mamanahin si Sonya, nagkunwari itong maayos ang kanilang pagsasama. Ngunit sa likod ng kanyang pagpapanggap ay may itinatago pala siyang masamang plano para makuha ang pera ng asawa.






