Article Inside Page
Showbiz News
Content creator na si Fonz, sinabing major highlight ng career niya ang ma-encounter ang Queen of All Media na si Kris Aquino.Major red flag sa marami ang 'ghosting' pero naging daan ang experience na ito para sa content creator na si Fonz na maka-work ang isa sa tinitingalang celebrity sa Pilipinas na si Kris Aquino.
Sa pagharap niya sa session ng Your Honor na tinawag na 'In Aid of Plot Twists: Mina-manifest Ba?', binalikan ng Apoy sa Dugo star kung paano niya na ma-meet si Krissy matapos mag-fail ang plano niyang magtrabaho sa Singapore.
Kuwento niya sa House of Honorables, “Siguro isa sa pinaka-ultimate na plot twist is 'yung napasok nga ako kay Madam Kris Aquino.”






