Article Inside Page

Showbiz News

Bakit kaya hindi sang-ayon noon si Roi Vinzon sa pagpasok ng anak na si Anton sa 'PBB Celebrity Collab 2.0.'? Alamin rito:Sa kabila ng suportang natanggap ni Kamao star Anton Vinzon noong maging housemate sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0, inamin ng ama niyang si Roi Vinzon na ayaw sana niyang payagan ang anak na pumasok sa Bahay ni Kuya.

“Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa kaniya kasi ayoko matagal — ano, New Year, Christmas, wala ka sa 'min?” sabi ni Roi sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Biyernes, May 22.

Ayon kay Roi, naging bukas lang siya sa ideya nang ipinaliwanag sa kaniya ni Anton kung ano ang nangyayari sa loob ng PBB House.