Article Inside Page
Showbiz News
Nakisaya ang 'Apoy sa Dugo' stars na sina Elle Villanueva, Derrick Monasterio, Ashley Ortega, at Larkin Castor sa Balbagan Festival 2026.Mas naging makulay ang selebrasyon ng Balbagan Festival 2026 dahil sa pagdalo ng Apoy sa Dugo stars na sina Elle Villanueva, Derrick Monasterio, Ashley Ortega, at Larkin Castor.
Bilang bahagi ng ika-10 anibersaryo ng festival, nagsagawa ng street and arena dance competition at iba't ibang aktibidad na nagpapakita ng mayamang kultura ng Binalbagan.
Ayon sa report ni Athena Imperial sa 24 Oras noong Huwebes, May 21, ikinatuwa ng Apoy sa Dugo cast ang mainit na pagtanggap sa kanila ng mga taga-Binalbagan.








