Article Inside Page

Showbiz News

Sa kabila ng sakit na naranasan sa pag-ibig, maganda pa rin ba ang pananaw ni Rico Blanco tungkol dito?Aminado ang OPM legend na si Rico Blanco na single siya ngayon, pero hindi ibig sabihin umano nito na hindi na siya bukas pumasok muli sa isang relasyon. Sa katunayan, sabi niya sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes, May 22, bukas pa rin siya sa pagpapakasal balang-araw.

“But I suppose, it still has to be with the right person 'cause I'm at the age where I don't have to get married. I understand, for some people, they have to get married. Right now, I don't have to get married so if I will get married, it has to be with the right person,” sabi ni Rico.

Sa kabila ng past relationships niya at mga karanasan sa pag-ibig, aminado rin si Rico na marami na siyang nalalaman tungkol dito. Pero pakiramdam niya at marami pa siyang matututunan.