Article Inside Page
Showbiz News
Kilalanin ang mga maglalaro sa teams ng AU Chiefsquad at Altas Perpsquad sa 'Family Feud' mamayang 5:35 p.m. sa GMA.Ngayong Huwebes, may exciting na showdown ang dalawa sa pinakamahuhusay na cheerleading teams sa Family Feud.
Sa "Summer Tawa, Summer Saya" episode ngayong May 21, ipapakita ng bawat grupo ang kanilang world-class athleticism sa pamamagitan ng ilang bahagi ng kanilang award-winning routines sa mga manonood.
Fresh mula sa kanilang makasaysayang seventh consecutive championship win ang AU Chiefsquad (Arellano University). Maglalaro sa Family Feud ang flyers na sina Rhea Jean Remiterre at Mary Jane Singson, kasama sina Richard Tulali bilang base lifter at Paul Mateo bilang base tumbler.






