Article Inside Page
Showbiz News
Isa ba rin ito sa mga favorite moments n'yo ni Robert (Arthur Solinap) sa 'Pepito Manaloto'?
Perfect na pang-Flashback Wednesday ang muling pag-viral ng isang nakakatawang eksena sa Pepito Manaloto tampok sina Arthur Solinap bilang Robert at Maureen Larrazabal bilang transwoman na si Mara Quijanos.
Umani na ng mahigit 13 million views at 240,000 engagements ang naturang short clip matapos mapagkamalan ng family driver ng mga Manaloto na “ka-federasyon” niya si Robert nang tanungin siya ni Mara ng, “Bakla, si Sir Pepito?”






